HOME

Travel to Garabandal

VIDEO LECTURES Given By MARIA SARACO

MESSAGES
From OUR LADY
Of
GARABANDAL

"Yes, I saw
them in ecstasy"
Bishop del Val Gallo

 
Table of Contents
 
 
Garabandal Messages
 
 
For More Information
 

Ang Pahatid Garabandal

Ang Pahatid ng Mahal na Birhen Oktubre 18, 1961 Sa Buong Sangkatauhan

Maraming pagtitiis at maraming pagsisisi ang kinakailangan nating gawin. Ating dalasan ang pagdalaw sa banal na sakramento... ngunit higit sa lahat, tayo ay dapat magpakabuti... Kung ito 'y hindi natin tutupdin mayroon sa ating naghihintay na kaparusahan. Ang tao ay punong-puno na ng pagkakasala at kung tayo'y hindi magbabago, tayo ay mapaparusahan.

Pahiwatig ng Garabandal

UNANG PAHIWATIG: Isang kakilakilabot na babala ang magaganap sa kalangitan...kagigitlaan ng buong sanlibutan ang panyayaring ito kahit saan paman sila naroroon sa sumandaling yaon...Ito ay tatanggapin na galing sa Diyos...at ipangangahulugan na paglilinis ng budhi.

PANGALAWANG PAHIWATIG: Isang himala ang mangyayari sa Garabandal...Ito ay matatanaw lamang sa kaitaasan ng pook ng mga punong-kahoy (pino)...at gayon din sa buong bulubundukin; ang mga maysakit ay gagaling... ang hindi naniniwala sa Diyos ay magbabalik loob sa Kanya... Ang himala ay ibubunyag walong araw bago ito mangyari.

PANGATLONG PAHIWATIG: Ang pamalagiang palatandaan ay mananatili sa Garabandal na iuukol na paalaala sa himala na nagpapatunay ng papmamahal ng Birhen sa buong sanlibutan.

ANG PANG-APAT NA PAHIWATIG: "ang kaparusahan" ay nakasalalay sa ating pagsunod o pagtalikod sa pahatid ng Mahal na Birhen... Kung ito ay mangyayari, ang pangitain ay hihigit pa sa anumang hindi abot tarukun ng kaisipan; itong kaparusahang ito ay magmumula sa Diyos.


To view the entire account of the events of Garabandal see the Garabandal Story.